Yung lalaking marunong rumespeto, hindi ka niya babastusin kahit kailan. Siya na mismo ang magpo-protekta sayo.
Yung lalaking marunong magtext, hindi yung kailangan mo pang ipaalala. Siya na mismo ang magte-text kaagad.
Yung lalaking maglalaan ng oras para sayo, hindi yung puro na lang ikaw. Siya na mismo ang gagawa ng paraan para magkaroon kayo ng oras, yung kayong dalawa lang talaga.
Yung lalaking marunong makuntento, hindi na siya maghahanap ng iba. Siya na mismo ang gagawa ng mga bagay para manatili ka sa kanya.
Yung lalaking tanggap ka, kahit na ano o sino ka pa. Pati pinanggalingan mo ay tanggap niya. Siya na mismo ang magpaparamdam sayo na mahal ka niya.
Yung lalaking igagalang ang limitasyon mo, hindi ka niya pipiliting gawin ang bagay na hindi niyo pa dapat gawin. Siya na mismo ang magpapatunay na hindi ganun ang intensyon niya.
Yung lalaking papangitiin ka, sa tuwing malungkot ka. Hindi siya magdadalawang isip na pasayahin ka. Siya na mismo ang gagawa ng paraan para maging masaya ka.
Yung lalaking ituturing kang best friend, kahit anong bagay open kayo sa isa’t-isa. Marunong sumakay sa mga trip mo. Siya na mismo ang mauunang kumausap kayo tungkol sa kahit anong bagay.
At higit sa lahat, Yung lalaking ituturing kang prinsesa, hindi man niya kayang ibigay lahat ng kailangan mo, pero sigurado ako na gagawin niya ang lahat para maibigay ‘to. Dahil gusto ka niya maging masaya sa piling niya.
Marahil, karamihan sa mga babae ganito ang hanap sa isang lalake. Ilan lamang ito sa mga bagay na hinihiling nilang maging katangian ng lalakeng magiging karelasyon nila. Kaya sana kung may mga lalakeng makakabasa nito. Sana magtino kayo, lalo na’t kung may karelasyon kayo. Mahalin mo siya bilang isang lalake, huwag magpaka-chicks.

